Ilang mga militanteng grupo, nagsagawa ng kilos-protesta sa harapan ng MWSS Regulatory Office para tutulan ang taas-singil ng tubig

Sumugod ang ilang mga militanteng grupo sa tanggapan ng MWSS Regulatory Office para tutulan ang nakaambang na taas-singil ng tubig.

Bitbit ang mga placard nakasaad na ‘No To Water Rate Hike’, ‘serbisyo sa tubig huwag gawing negosyo’, ‘serbisyo, hindi negosyo’, ‘Stop Water Privatization’ at maraming pang iba ay kinakalampag nila ang mga opisyal ng MWSS Regulatory Office upang pakinggan ang kanilang mga hinaing sa gobyerno.

Nais ng grupong Bayan Muna na na dapat seryosohin ng pamahalaan ang usapin ng tubig dahil ito umano ang pangunahing pangangailangan ng sambayanang Pilipino.


Sigaw ng grupo, serbisyo ng tao, huwag umanong gawing negosyo bagkus pagtuunan ng pansin ang problema sa taas-singil sa tubig.

Nanawagan din sila sa mga tumatakbong politiko na tulungan sila para aksyunan ang kanilang mga hinaing at panawagan na huwag gawing negosyo ang serbisyo sa tao.

Hindi anila sila titigil sa pagkakalampag hangga’t hindi inaksyunan ang kanilang mga kahilingan.

Facebook Comments