Nanawagan ang ilang militanteng grupo na ibasura ang mga kaso laban sa 83 magsasaka at land reform advocates na tinaguriang ‘Tinang 83’.
Nabatid na inaresto sila sa Barangay Tinang, Concepcion, Tarlac noong Huwebes matapos na ireklamo ng isang kooperatiba ang ginawang pagbubungkal ng lupa ng mga magsasaka na nagresulta umano ng pagkasira ng kanilang tubuhan.
Ilang sa mga humiling na ibasura ang mga naturang kaso ay ang Grupong Union ng mga Manggagawa sa Agrikultura; Malayang Kilusang Samahan ng mga Magsasaka ng Tinang; Anak-Pawis; SAKA at iba pa.
Ayon sa isang opisyales, pangunahing dahilan ng problema ay ang matagal nang delay ng Department of Agrarian Reform o DAR upang ibigay sa mahigit 230 na Agrarian Reform beneficiaries ang kanilang mga sinasaka na lupain.
Samantala, sinabi naman ni Atty. Jobert Pahilga, abogado ng mga inaresto na walang basehan ang mga isinampang kaso laban sa mga magsasaka.