ILANG MGA MOTORISTA AT DRIVER NG MGA PAMPASAHERONG SASAKYAN SA DAGUPAN CITY, DISMAYADO SA KATITING NA IPATUTUPAD NA ROLLBACK

Natawa na lamang ang ilang mga motorista at driver ng mga pampasaherong sasakyan sa Dagupan City ang mararanasang katiting na rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo ngayong araw, Sept. 26, araw ng Martes.
Bagamat hindi ito kinagiliwan dahil sa wakas ay may pagbaba na umano sa presyo, bagkus isa umano itong insulto sa kanila kaya naman natatawa na lang daw sila sa inanunsyong pagbaba sa presyo ng mga langis.
Epektibo ngayong araw ang rollback sa produktong Diesel, bumaba ito ng P0.40 – P0.60 sa kada litro nito, may pagbaba naman na P0.50 – P0.70 ang kada litro ng Kerosene at ang Gasoline, nasa kaliit na P0.10 – P0.20 na pagbaba lang sa kada litro.

Ayon sa personal nilang pahayag, taliwas ito sa inaasahan nilang rollback at kahit man lang sana raw ay umabot sa piso ang pagbaba bagamat bigo ang mga ito.
Matatandaan na, umabot sa 11th row o ikalabing isang linggo ang serye ng bigtime oil price hike na nagpahirap lalo na sa mga drivers at operators ng mga pampasaherong sasakyan. |ifmnews
Facebook Comments