Ilang mga motorista, umiiwas na sa pagdaan sa EDSA Bus Lane dahil sa ipapataw na multa simula ngayong araw

Doble ingat na ngayon ang ilang motorista na pumasok pa o dumaan sa EDSA bus lane ngayong umaga.

Simula na kasi ngayon ng pagpapataw ng multa sa mga magtatangka na dumaan sa naturang linya ng bus.

Ayon kay Rey Sanchez, mas maigi na raw na maipit sa traffic kaysa makuhanan ng libong multa, mahirap na daw at service niya papasok ang kanyang motor araw-araw.


Matatandaang sinabi ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), kaligtasan ng mga motorista ang kanilang inaalala at hindi rin maabala ang mga sumasakay ng bus.

Sa ngayon, wala pa namang nakikitang paglabag dito sa kahabaan ng EDSA Bus lane sa may Guadalupe at nakabantay pa rin ang mga personel ng Inter-agency Council for Traffic (I-ACT), Philippine Coast Guard (PCG) at Enforcers ng MMDA.

Facebook Comments