Ilang mga Muslim, nagparehistro para makakuha ng SAP cash aid

Kasabay ng pagdiriwang ng Eid’l Fitr, isa-isang pumila ang ilan sa mga kapatid nating Muslim upang magpa-rehistro sa Social Amelioration Program (SAP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Partikular na pumila ang mga residenteng Muslim ng Barangay 384 Zone 39 sa Quiapo, Maynila.

Nauna nang humingi ng tulong ang ilan sa mga Pilipinong Muslim na hindi nakasama sa unang bugso ng SAP na hirap din sa sitwasyon dahil sa umiiral na community quarantine.


Umaasa sila na ngayong second tranche ng SAP ay makakuha na sila ng cash assistance kung saan hangad din ng iba sa kanila na makabalik sa pagne-negosyo.

Samantala, dahil sarado ang mga mosque, nagdasal na lamang ang mga kapatid nating Muslim sa loob ng kanilang mga tahanan ngayong Eid’l Fitr bilang pagsunod sa quarantine protocols upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

Kabilang sa kanilang dasal ay matapos na ang krisis sa COVID-19.

Facebook Comments