Ilang mga nagtitinda ng itlog sa Marikina Public Market, suportado ang planong pagbebenta ng itlog sa ibang bansa

Suportado ng mga nagtitinda ng itlog ang plano ng pamahalan sa pag-e-export o pagbebenta ng itlog sa ibang bansa.

Ayon sa mga nagtitinda sa Marikina Public Market, mahalaga ang exportation para mabalanse ang bentahan ng itlog sa merkado kung saan, mababa rin ang demand sa itlog dahilan para bumaba ang presyo nito.

Paliwanag pa ng mga nagtitinda, nasa ₱30 kada tray ang ibinaba sa presyo ng itlog.


Base sa price monitoring, ₱6 na ang bentahan ng maliit na itlog kada piraso, ₱7 ang medium at ₱8 ang large kada piraso.

Nabatid na kabilang sa tinitingnan ng Department of Agriculture (DA) ang Taiwan sa mga bansa na maaaring pagdalhan ng itlog dahil namgangailangan sila ngayon ng nasa isang milyong itlog.

Facebook Comments