Ilang mga nagtitinda ng itlog sa MPM, suportado ang planong magbenta ng itlog sa ibang bansa

Suportado ng mga nagtitinda ng itlog ang plano ng pamahalan sa pag-e-export o pagbebenta ng itlog sa ibang bansa.

Ayon sa mga nagtitinda sa Marikina Public Market (MPM), mahalaga ang exportation para mabalanse ang bentahan ng itlog sa palengke kung saan mababa ang demand nito dahilan para bumaba rin ang presyo nito.

Paliwanag pa ng mga nagtitinda, nasa P30 kada tray ang ibinaba sa presyo ng itlog.


Base sa price monitoring, P6 na ang bentahan ng maliit na itlog kada piraso, P7 ang medium at P8 ang large kada piraso.

Nabatid na kabilang sa tinitingnan ng Department of Agriculture, ang Taiwan sa mga bansa na maaaring pagdalhan ng itlog dahil nangangailangan sila ngayon ng nasa isang milyong itlog.

Facebook Comments