Ilang mga nagtitinda, tiwalang walang ngipin ang batas kaya namamayagpag pa rin ang smuggling sa bansa

Naniniwala ang ilang mga nagtitinda na walang pangil ang batas kaya naman nakakalusot pa rin ang smuggling.

Ayon sa mga nagtitinda na matagal nang may mga iligal na produktong nakakulusot sa bansa pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ito nasosolusyunan.

Dahil dito, naaapektuhan ang ekonomiya ng bansa at malaki ang nawawala sa pamahalaan.


Inihalimbawa nila rito, ang pagpasok ng “jumbo sibuyas” noong nakaraang taon na kumalat sa mga pamilihan sa Metro Manila.

Ayon naman sa ibang nagtitinda, posibleng may sabwatan sa mga matataas na opisyal kaya may smuggling pa rin.

Una rito sinabi ng Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) na aabot sa halos ₱30 billion ang halaga ng bigas, karne ng manok at baboy, at sibuyas ang naipuslit sa bansa noong 2022.

Facebook Comments