Ilang mga nais magpabakuna, nagtiyagang pumila sa San Andres Sports Complex para mabakunahan kahit pa malakas ang ulan

Sa kabila ng malakas na ulan na nararanasan, patuloy ang pagdagsa ng mga nais magpabakuna sa ilang vaccination sites sa lungsod ng Maynila.

Ito’y bilang bahagi ng COVID-19 mass vacciantion na ikinakasa ng Manila Local Government Unit (LGU).

Partikular na tinungo ng mga nasa A1 hanggang A5 priority group ay ang San Andres Sports Complex kung saan mahaba pa rin ang pila kahit pa malakas ang ulan.


Nabatid na mula kahapon hanggang ngayong araw ay patuloy ang pagpunta rito ng mga indibidwal na nais maturukan ng kanilang first dose ng bakuna.

Nasa 2,000 doses na bakuna kontra COVID-19 ang inilaan dito sa San Andres Sports Complex habang nagkakasa rin ng pagbabakuna para lamang sa A2 priority group o mga senior citizen sa 12 school sites na pinaglaanan ng 1,500 doses.

Sa kasalukuyan, wala pa namang inilalabas na abiso ang Manila Disaster Risk Reduction Managament Office (DRRMO) kung may mga lugar sa lungsod ng Maynila ang hindi na madaanan dahil sa pagbaha dulot ng malakas na ulan.

Facebook Comments