Ilang mga nakaupong opisyal ng Brgy. Kaligyahan sa Quezon City, sinampahan ng kaso sa Comelec

Sinampahan ng disqualification case sa Commission on Elections (Comelec) ang ilang mga nakaupo at tumatakbong kandidato sa Brgy. Kaligayahan, Novaliches, Quezon City.

Kabilang sa sinampahan ng kaso ay sina Alfredo ‘Freddy’ Roxas na tumatakbo bilang Brgy. Kapitan, Kris Roxas-Aliento, Pedro Mahusay, Arnel Gabito, Butch Rosales, Perla Adea, Alex Rivera at Sofronio Grimaldo na pawang mga tumatakbo bilang kagawad.

This slideshow requires JavaScript.


Nag-ugat ang reklamo mula kina Rey Miranda, Marvin Miranda at Ronald Go. dahil sa pangangampanya umano ng mga opisyal kahit na wala pa ito sa campaign period.

Ayon sa kanilang mga sinumpaang salaysay, nagkaroon ng pagtitipon ang SAPIKA Homeowners Association at dito nakita ang ilang mga kagawad.

Nakita rin daw ang mga ito sa singing contest kung saan isa-isa silang nagbigay ng talumpati na parang nangangampanya na.

Isa pa sa naging basehan ng pagsasampa ng reklamo sa Comelec ay ang nagkalat na mga poster, stickers, at iba pang campaign paraphernalia ng mga opisyal.

Habang si Rey Miranda, ay sinampahan naman ng reklamong disqualification si Kapitan Alfredo Roxas, Kgwd. Kris Roxas at Sofronio Grimaldo dahil din sa paglabag sa premature campaign.

Kabilang sa ginawa ng mga ito ay ang pagreregalo ng kapitan ng isang lechon sa pagtitipon ng kumakandidatong kagawad kasama ang pamamahagi ng mga t-shirt at pamimigay ng cake sa residente ng Brgy. Kaligayahan.

Facebook Comments