Ilang mga nasagip na Pinoy, iba’t ibang hirap ang dinanas sa Myanmar

Iba’t ibang masasakit na karanasan ang ibinahagi ng ilan sa mga napauwing Pinoy mula sa Myanmar matapos na magtrabaho mula sa mga scam hub.

Kwento ng isa sa mga biktima na nagtrabaho ng apat na buwan ay nagpapanggap sila bilang isang mayaman na lalaki o babae tsaka kukuhanin ang loob ng kanilang biktima at pipiliting mag-invest sa kanilang platform.

Ibinahagi rin nito na kung hindi man nila maabot ang qouta na kinakailangan nila ay ibinibilad sila sa araw.


Maswerte na lamang aniya na isa siya sa na-rescue ng mga militar ng Myanmar kung saan kinuha ng mga ito ang mga nagnanais nang makauwi.

Sa ngayon, 30 mga Pinoy na ang napauwi ngayong araw at ang natitirang 176 naman ay nakatakdang makauwi bukas sa pamamagitan ng charter flight.

Facebook Comments