Ilang mga nasasawi sa road accident tuwing holiday, halos mga nakainom —DOH

Muling umaapela ang Department of Health (DOH) sa publiko na iwasan ang pagmamaneho kung nakainom ng alak lalo na ngayong Holiday Season.

Ang paalalang ito ay sinabi ni Health Sec. Teodoro Herbosa matapos maitala ng DOH na ang malaking bilang ng mga road accident ay dahil sa mga nakainom ng alak.

Payo ng Kalihim sa mga nakainom na iwasan ang magmaneho o kaya ay magtalaga na lamang ng isa tao na magmamaneho ng sasakyan sakaling galing ng selebrasyon at nakainom na ng alak.


Base sa impormasyon ng DOH, karamihan sa mga kaso ng road accident ay pawang mga nakamotorsiklo na nagmaneho ng nakainom o lasing.

Unang inihayag naman ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na sa kanilang datos ay nasa 62,723 ang naitalang aksidente sa kalsada mula January hanggang November 2024 kung saan 332 ang nasawi.

Sa nasabing bilang ng aksidente, 54% ang 4-wheeled vehicles, 7.14% ang truck at nasa 22.03% ang motorsiklo.

Facebook Comments