Umaasa ang ilang mga opisyal ng ilang mga barangay sa lungsod ng Pasay na magkakatrabaho na ang ilang pasaway na kabataan sa kanilang lugar.
Ito’y matapos ang pagbisita ng DZXL Radyo Trabaho na bahagi ng Katok-Bahay, Sorpresa Trabaho.
Ayon kay Kag. Ariel Ramos ng Brgy. 175, Zone-18 na higit 2,000 ang kanilang residente kung saan karamihan sa kanilang kabataan ay walang trabaho at hirap din makahanap nito.
Bukod dito, karamihan sa inirereklamo sa kanilang barangay ay tungkol sa utang.
Samantala, mga illegal vendor naman ang problema ni Chairman Reynaldo Legaspi ng Brgy. 145, Zone-16 kaya’t dahil dito, hihimukin niya ang mga ito na magpasa ng resume para magkaroon ng mas maayos na trabaho sa tulong ng DZXL Radyo Trabaho.
Bukod sa pagbibigay serbisyo sa mga nasabing barangay, ikinatuwa naman ng ilang residente ang natanggap na wall clock bilang souvenir lalo na ang avid listener ng DZXL Radyo Trabaho na si Vilma Milyon.
Nagpapasalamat naman ang dalawang nabanggit na barangay opisyal sa pagbisita ng DZXL Radyo Trabaho kung saan abangan naman ang “Katok-Bahay, Sorpresa Trabaho” sa dalawa pang barangay dito sa lungsod ng Pasay.