Naglabas ng ilang mga paalala ang pamunuan ng Quiapo Church para sa Traslacion 2026 sa Kapistahan ng Jesus Nazareno.
Sa abiso ng simbahan ng Quiapo, mahigpit na ipinagbabawal ang pagsampa ng mga deboto sa andas upang makita ang mahal na Jesus Nazareno.
Huwag magtulakan upang walang magkasakitan, huwag magdala ng maraming gamit kung saan maiging ang transparent bag ang bitbitin upang mapadali ang inspeksyon.
Mahigpit na ipinagbabawal ang pag-suot ng sumbrero, hoodie, pagdadala ng payong, at huwag sumalubong sa daloy ng prusisyon upang hindi maabala ang ruta.
Pinapayuhan rin ang mga may karamdamam at mga bata na maiging mag-abang na lamang sa gilid ng kalsada para sa kanilang kaligtasan.
Kung hindi maiwasang hindi isama ang bata pakilagyan ito ng tag o pagkakilanlan upang mabilis ang komunikasyon sa pamilya.
Huwag kalimutan kumain upang may sapat na lakas sa gitna ng Traslacion at hindi hinihikayat ang pagdadala ng tumbler bagkus ay magdala na lamang transparent water bottles.
Bagama’t bawal ang pagsampa, maari pa ring maghagis ng panyo upang maipunas sa Mahal na Jesus Nazareno kung saan iwasan ang mag-iwan ng kalat sa buong araw ng kapistahan.









