Nagsasagawa na ng ilang mga paghahanda sa lungsod ng Maynila kaugnay sa nakatakdang pagdiriwang ng ika-124 na taong anibersaryo ng “Independence Day” o Araw ng Kalayaan ng Pilipinas.
Ito ay sa June 12, araw ng Linggo, kung saan inaasahang may ilang mga aktibidad na idaraos.
Sa bahagi ng Rizal Park, nagkasa na ng ilang pagsasa-ayos at pagpapaganda para sa mga programang ikakasa sa araw ng kalayaan.
Ilang mga sundalo ng Philippine Army ang nagsagawa ng ilang pagsasanay sa Rizal Park para sa gagawing flag raising.
Ilan rin sa mga paghananda ay mga flyby exercise ng mga military aircrafts.
Mula ito sa Philippine Airforce na inaasahang magpapakitang gilas sa mismong araw ng pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan.
Sa ngayon, wala pang inilalabas na abiso hinggil sa mga kalsada na maaaring pansamantalang isara sa Araw ng Kalayaan at mga pagsasagawa ng mga aktibidad sa Rizal Park.