Ilang mga pamilya, nawalan ng tirahan dahil sa sunog sa Sampaloc, Maynila

Nawalan ng tirahan ang nasa anim na pamilya matapos na matupok ang kanilang bahay sa Sampaloc, Maynila.

Inabot ng unang alarma lamang ang sunog na sumiklab sa isang bahay na may dalawang palapag sa Road 10 corner Mindoro St., Brgy 569, Sampaloc, Manila.

Nagsimula ng alas-6:37 ng umaga ang sunog at saka idineklarang fire out ng alas-7:24 ng umaga kung saan nasa 11 trucks ng bumbero ang nagtutulong-tulong para maaapula ang apoy.


Isa sa naging problema ng mga bumbero ang kuryente na hindi naputol agad ng Meralco kaya todo ingat sila sa pag-apula upang maiwasang ma-ground sa mga live wire.

Agad namang binigyan ng tulong ng mga tauhan ng Manila Department of Social Welfare ang mga biktima ng sunog.

Inaalam pa ang sanhi ng pagsiklab ng apoy at halaga ng mga ari-ariang natupok habang bahagyang nadamay ang katabing dalawang 4-storey residential building na isinailalim na sa inspeksyon ng BFP.

Facebook Comments