Ilang mga pamilyang inilikas sa Maynila bunsod ng bagyo, nakauwi na sa kanilang tahanan

Inihayag ng lokal na pamahalaan ng Maynila na nakabalik na ng kanilang tahanan ang karamihan sa pamilyang lumikas dahil sa Bagyong Kristine.

Ayon kay Manila Mayor Honey Lacuna, pinayagan nilang umuwi ang mga evacuee matapos masigurong ligtas na at wala nang problema.

Aniya, may mga nananatili pa rin sa mga evacuation center at patuloy nila itong bibigyan ng makakain gayundin ang mga gamot na kinakailangan.


Bukod sa pamamahagi ng pagkain at mga gamot, nagtalaga rin si Mayor Lacuna ng medical team sa mga evacuation center upang masuri ang kalagayang pangkalusugan ng mga lumikas na pamilya.

Nananatili sila sa Baseco at Delpan evacuation centers kung saan inaasahan na ilan sa kanila ay papauwiin na rin ngayong araw.

Sa datos mula kay Manila Public Information Office (MPIO) Chief Atty. Princess Abante, umabot sa 1,646 na pamilya at pitong indibidwal ang apektado ng Bagyong Kristine sa kanilang lungsod.

Facebook Comments