Mangilang ngilang mga pampasaherong sasakyan sa Dagupan City ang nagpatupad na ng provisional fare increase o ang pisong dagdag pasahe sa kani-kanilang mga minamanehong PUVs.
Matatandaan na epektibo ang nasabing taas pasahe sa mga Public Utility Vehicles nito lamang October 8, ngayong buwan kung saan ang dating dose pesos ngayon ay dose na at sa mga modernized jeepney naman, ang dating katorse pesos ngayon ay kinse pesos.
Ilang mga operators ng Calasiao-Dagupan bound ang ruta ay nakakuha na rin ng updated fare matrix na nagsasaad ng karagdagang piso sa pamasahe sa mga regular na pasahero.
Ang mga konduktor at operators naman ng modernized jeepney ay hindi pa naniningil ng dagdag piso at nananatili ang dating fare matrix ang umiiral.
Samantala, matatandaan na pansamantala lamang ang nasabing fare increase habang dinidinig pa ang ilan pang mga isyu ng transport sektor. Bunsod naman ng pag-implementa nito ay ang pagtugon sa nangyaring diretsong serye ng bigtime oil price hike sa mga produktong petrolyo. |ifmnews
Facebook Comments