Ilang mga pangunahing kalsada sa Muntinlupa at Pasay, maapektuhan ng mga isasagawang pagtitipon bukas

Dalawang malaking pagtitipon ang nakatakdang idaraos sa lungsod ng Muntinlupa at Pasay bukas.

Sa Muntinlupa City ay magkakaroon ng integrity walk sa ganap na alas-4:00 ng hapon sa kahabaan ng ML Quezon Street at Rizal Avenue patungong Montillano Street.

Ang lakad ay mag-uumpisa mula sa Muntinlupa Sports Complex at Lake Front Sucat at magtatagpo sa South Station Alabang.


Walang isasarang mga kalsada pero inaabisuhan ang mga motorista na iwasan muna ang bahaging iyan ng Muntinlupa City.

Sa Pasay City, bukas ng ala-1:00 ng hapon hanggang ala-6:00 ng gabi ay mayroong pagtitipon ang Iglesia ni Cristo (INC), ang welcome kapatid ko, na gaganapin sa Cuneta Astrodome.

Inaasahang makikilahok sa pagtitipon ang mga kapatiran mula sa Pasay, Parañaque, Makati at Taguig.

Walang isasarang mga kalsada pero asahan na ng mga motorista ang mabigat na daloy ng trapik sa tapat ng Cuneta Astrodome, sa bahagi ng North Bound ng Roxas Blvd. patungong Maynila.

Facebook Comments