Ilang mga pasahero, maagang nagtungo sa Manila North Port Passenger Terminal kahit pa mamayang gabi ang biyahe

Maagang nagtungo sa Manila North Port Passenger Terminal ang ilang mga pasahero na bibiyahe sa ilang probinsiya sa Visayas.

Nabatid na nagdesisyon sila na manatili na lamang sa naturang terminal upang maiwasan na maipit sa daloy ng trapiko lalo na’t inaasahan ang pagdagsa ng mga pasahero.

Alas-8:00 pasado ng gabi ang biyahe ng barko papunta ng Cebu kung saan pinayagan naman ng Philippine Ports Authoriry (PPA) na manatili sila sa waiting area ng pantalan.


Base naman sa datos ng Philippine Coast Guard (PCG), nasa 22,522 ang bilang ng outbound passengers at 20,343 inbound passengers ang namonitor na bumiyahe sa mga pantalan sa buong bansa mula alas-12:00 ng hatinggabi hanggang alas-6:00 ng umaga kanina.

Pinapayuhan naman ang publiko lalo na ang mga nakatakdang babiyahe sa mga pantalan na alamin ang mga regulasyon at protocols sa pagbiyahe sa mga barko partikular ang mga may bitbit o dalang alagang hayop.

Facebook Comments