Bunsod ng halos isang linggo nang nararanasan na matinding pagbaha sa Dagupan City, kung saan nananatili ang mataas na lebel na tubig hindi lamang sa mga barangay sa lungsod maging sa mga main roads, nagpahayag naman ang ilang pasahero ng mga pampasaherong sasakyan ng kanilang saloobin sa overpriced na singil umano sa pamasahe ngayon bagamat may din panawagan ang mga tricycle drivers.
Ayon sa ilang Dagupenong personal po nating nakapanayam, naiintindihan naman ng mga ito na malalim talaga ang baha at hirap nga umano sila sa pagpapasada ngunit ang iba nama’y sumusobra raw umano sa singilan, at mas matindi pa kadalasan sa mga nag-ooverpriced ay mga walang regulatory sticker umano o ang mga kolorum na sasakyan.
Sa kabilang banda naman, nanawagan din ang mga tricycle drivers sa Dagupan City at kanila ring ipinahayag ang kanilang hirap sa pagpasada dahil nga una prone ang mga tricycle sa pagtirik dahil sa taas ng lebel ng pagbaha at ilang pagkakataon na hindi kinakaya ang daloy ng tubig. Isa pa ang mga inaasahan nang masisirang piyesa dahilan na babad ang tricycle sa marumi at maalat na pagbaha.
Nakiusap din ang mga ito na kung maaari ay “makisama muna” ang mga pasahero at sana ay intindihin muna sila sa ganitong uri ng panahon dahil pareho naman umano ang mga ito na nahihirapan.
Samantala, matatandaan na ilang mga tricycle drivers ay tuloy pa rin sa pagpapasada sa kabila ng mga epekto ng pagbaha dahil ang iba sa kanila ay dito inaasa ang gastusin ng kanilang pamilya sa pang-araw-araw.
At alinsunod dito, ang nasa 2500 na mga tricycle drivers dito sa Dagupan City ay makakatanggap umano ng tulong pinansyal mula sa DSWD sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan ng LGU Dagupan na maaari nilang pambili ng pangkain para sa kanilang pamilya. |ifmnews
Facebook Comments