Ilang mga pasahero sa North Port Passenger Terminal, mas piniling maghintay ng biyahe sa pantalan para makauwi sa probinsiya ngayong Semana Santa

Patuloy ang pagdagsa ng mga pasahero sa Manila North Port Passenger Terminal.

Ito’y para makauwi ng kani-kanilang probinsiya para sa paggunita ng Semana Santa at samantalahin na rin ang mahabang bakasyon.

Bagama’t may ilang mga delay sa oras ng biyahe, mas pinili ng mga pasahero na manatili sa labas ng terminal upang hindi magastusan sa pamasahe o kaya ay kumuha pa ng pansamantalang matutuluyan.


Karamihan sa mga pasahero ay patungo ng ilang probinsiya sa Visayas at Mindanao.

Bukod dito, marami rin ang nagtungo na mga “chance passenger” sa nabanggit na terminal kung saan umaasa sila na makakabiyahe ngayong araw.

Iginiit ng ibang chance passenger na hindi sila agad nakakuha ng reservation at medyo mas kataasan din daw ang singil dito.

Kaugnay nito, mahigpit na seguridad naman ang ipinapatupad sa loob ng terminal at ang Manila Police District (MPD) ang bahala sa labas habang sinisikap ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) na mapanatili ang maayos na daloy ng trapiko.

Facebook Comments