
Ilan sa ating mga kababayan ang sinamantala ang araw ng Undas para makauwi sa kanilang mga probinsya at makasama ang pamilya.
Kabilang nga rito si Nanay Jocelyn Alano na taga Daet at uuwi sa Bicol.
Bukod aniya sa dadalaw sa mahal sa buhay na yumao ay sasamantalahin din nila ang araw na ito para makasama ang pamilya lalo’t may manugang siyang umuwi mula Japan at birthday din ng kanyang anak.
Hindi naman nahirapan si Nanay Jocelyn na makasakay dahil maagang pa lang ay nag-book na siya online.
Samantala, ilan ding pasahero ang last minute na bago nakabyahe dahil may pasok pa at bukod sa Undas ay target din nilang magbakasyon.
Facebook Comments









