Ilang mga pasahero, stranded na sa mga pantalan sa Bicol at Southern Tagalog Region

Umaabot sa 294 na pasahero, driver at pahinante ng mga trak ang stranded sa walong pantalan sa Region 5 at 4A o Bicol Region at Calabarzon.

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), bunsod ito ng maalong dagat na epekto ng hanging habagat na pinalakas ng Bagyong Carina.

Nasa 180 na pasahero kasama ang mga sakay ng 38 traks ang stranded dahil hindi makabiyahe ang limang sasakyang pandagat sa Bicol Region.


Habang sa Southern Tagalog region naman ay nasa 114 na pasahero at mga driver kasama ang helper ng trak ang hindi rin makapaglayag.

Bukod dito, may isang sasakyan pandagat din ang nagkakanlong o nakidaong muna sa Region 4A para makaiwas sa posibleng panganib na dulot ng masamang panahon.

Facebook Comments