
Dahil sa epekto ng Bagyong Crising, nasa 122 pasahero ang stranded sa mga tatlong pantalan sa Eastern Visayas.
Partikular sa Port of Maasin, Port of Benit at Port of Padre Burgos.
Sa monitoring ng Philippine Coast Guard (PCG), 60 rolling cargoes, at tatlong vessels ang apektado at hindi makabiyahe sa mga nabanggit na pantalan.
Bukod dito, nasa dalawang vessel din ang pansamantalang nakikidaong sa ibang pantalan lalo na’t patuloy na nagiging masama ang lagay ng panahon.
Sa huling advisory ng PAGASA, nananatiling malakas ang Bagyong Crising habang patungo ng kanluran Hilagang-Kanluran bahagi ng karagatan sa Bicol Region.
Facebook Comments









