
Aabot sa 11 pasahero ang nasaktan nangyaring aksidente sa kahabaan ng Camarin Road, Barangay 175, Caloocan.
Ito’y matapos bumangga sa posts ang isang pampasaherong jeep.
Kwento ng hindi na pinangalan tsuper ng jeep na may biyaheng Caloocan-Novaliches, nawalan ng preno ang minamanehong jeep kaya’t binangga niya ito sa poste.
Agad naman rumesponde ang Caloocan Rescue at ang Public Safety and Traffic Management Department saka binigyan ng paunang lunas ang mga sugatang pasahero.
Dinala ang mga nasaktang pasahero sa Tala Hospital upang mabigyan ng kaukulang atensyong medikal habang dinala na sa Caloocan Police Station ang driver ng jeep.
Facebook Comments









