Ilang mga pasaherong stranded sa pantalan sa Bicol, inilipat ng PPA sa temporary shelter

Dinala sa isang temporary evacuation center ang nasa 14 na pasaherong apektado ng Bagyong Enteng sa Port of Bulan.

Ito’y matapos na ipagbawal ang mga sasakyang pandagat na maglayag dahil sa masamang epekto ng naturang bagyo.

Maliban sa matutulugan, binigyan din ng makakain ang mga apektadong pasahero habang sila ay nasa evacuation center.


Bukod sa Port of Bulan, kanselado na ang biyahe ng halos lahat ng mga pampasaherong barko mula sa mga pantalan na sakop ng Port Management Office – Bicol.

Base sa datos ng Philippine Ports Authority (PPA), nasa 430 na pasahero ang naitalang stranded na pasahero bukod pa sa 172 na cargoes.

Pinapayuhan ng PPA ang lahat ng apektadong pasahero na makipag-ugnayan sa mga shipping lines para sa karagdagang impormasyon.

Facebook Comments