ILANG MGA PEDICAB DRIVERS SA DAGUPAN CITY, AMINADONG HINDI MAAARING MAGTAAS SINGIL SA PAMASAHE

Aminado ang ilang mga pedicab drivers sa Dagupan City na hindi maaaring magtaas singil sa pamasahe ang mga ito sa sinasakay na mga pasahero papunta sa kani-kanilang mga ruta at destinasyon.
Matatandaan na patok ang sasakyang pedicab ngayong nakararanas ang siyudad ng pagbaha bunsod ng high tide na sinabayan pa ng epekto ng bagyong Goring at Hanna.
Hindi raw umano maaari silang maningil ng dagdag pasahe dahil ang ilan umano sa kanilang pasahero ay nagagalit at sinasabing malapit lamang ang distansya na kanilang dapat puntahan.

Hindi rin alintana ng mga pedicab drivers ang maaaring maging banta ng kanilang pagsuong sa tubig baha sa kanilang kalusugan kahit na wala ring suot suot na kahit anong pamproteksyon.
Samantala, nasa dalawang daan na raw ang pinakamataas na maaari nilang kitain sa isang araw na pasadahan. |ifmnews
Facebook Comments