Ilang mga Pinoy sa South Africa, sumailalim na rin sa repatriation

Ilan na ring Pinoy workers mula sa South Africa ang sumailalim na rin sa repatriation.

19 na OFWs mula sa Malawi, South Africa ang dumating sa bansa kasabay ng 14 na OFWs mula sa Singapore.

Ang naturang repatriates ay sasailalim sa 14 na araw na quarantine sa pasilidad ng Bureau of Quarantine.


Sa ngayon, umaabot na sa halos 18,000 Pinoy workers sa abroad ang napauwi ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Kabilang dito ang libu-libong Pinoy seafarers mula sa mga cruise ship sa iba’t-ibang bansa.

Facebook Comments