ILANG MGA PRIBADONG SASAKYAN NA NAKAPARK SA SIDEWALK NG KALSADAHAN, ISANG NAKIKITANG DAHILAN NG LUMALALANG TRAPIKO SA DAGUPAN CITY

Isa sa nakikitang dahilan ayon sa mga driver ng pampasaherong mga sasakyan sa Dagupan City ay ang mga nakapark na mga pribadong sasakyan sa mga sidewalk ng kalsadahan kaya raw umano mas mabagal ang usad ng daloy ng trapiko.
Nahihirapan daw ang pag-andar ng mga susunod na sasakyan dahil sa maliit na espasyong natitira para sa mga nagsasalubungang mga sasakyan sa mga intersections partikular sa bahagi ng Bonuan sa lungsod.
Sa ilalim ng RA No. 4136 Sec. 46, saad nito na ipinagbabawal ang pagpark partikular sa mga bahagi tulad ng (a) Within an intersection, (b) On a crosswalk, (c) Within six meters of the intersection of curb lines, (d) Within four meters of the driveway entrance to and fire station, (e) Within four meters of a fire hydrant, (f) In front of a private driveway, (g) On the roadway side of any vehicle stopped or parked at the curb or edge of the highway, (h) At any place where official signs have been erected prohibiting parking.

Bagamat nagreklamo na umano ang mga ito sa mga nakaantabay na POSO officers ay tila hindi naman daw ata sila natututo at patuloy pa rin ang pagpark sa mga sidewalks.
Hiling naman ng ilang pumapasada na sana ay maging patas umano ang mga nasa katungkulan at kung alam na mali ay patawan ng karampatang parusa dahil sa mga abalang dulot nila.
Dagdag pa ng mga drivers ng pampasaherong sasakyan ang abala na naidudulot nito sa kanila dahil bukod sa matagal na paghihintay, aksaya rin ito sa gasolina lalo na ngayon at bigtime ang oil price hike ng mga presyo ng langis at inaasahang magtatagal pa sa mga susunod pang mga linggo. |ifmnews
Facebook Comments