ILANG MGA PRIVATE ESTABLISHMENTS SA DOWNTOWN AREA, KANYA-KANYA NA SA PAG WATER PUMP NG MGA NAIPONG TUBIG SA KANILANG PWESTO

Kanya-kanya na sa pag-water pump ng mga naipong tubig baha sa loob ng kanilang mga pwesto ang mga private establishments sa Downtown area dahil sa paghupa na rin ng tubig baha sa main road.
Unti unti na rin umano ng nanunumbalik ang kanilang maayos na transaksyon sa kanilang mga costumer dahil sa pagbaba ng tubig baha.
Laking pasalamat rin ng mga nagtatrabaho sa City Proper dahil sa wakas ay bawas pasakit sa kanilang pang araw-araw na byahe ang paghupa ng tubig.

Bagamat, may tubig baha pa rin sa intersection ng Arellano St. at Junction Area ay hindi na ito tulad noong mga nakaraang araw dahil passable naman ito at maaari pa rin na madaanan ng mga light to heavy vehicles.
Samantala, balik na rin sa kani-kanilang mga pwesto ang mga street vendors para magbenta at nang makabawi sa ilang araw na hindi nakabeta dahil sa tubig baha. |ifmnews
Facebook Comments