Ilang mga probisyon ng “Anti-Terrorism Act,” idineklarang labag sa Saligang Batas ng Korte Suprema

Idineklara ng Korte Suprema na “unconstitutional” ang ilang probisyon ng Republic Act 11479 o ang Anti-Terrorism Act o ATA.

Sa abiso, sinabi ng Supreme Court na kabilang sa mga pinagbotohan at ang resulta ay ang mga sumusunod:

*Sa botong 12-3, idineklarang “unconstitutional” ang Section 4 ng batas dahil sa pagiging “overboard and violative” sa freedom of expression.


*Sa botong 9-6, idineklarang “unconstitutional” ang section 25 paragraph 2.

*Ang iba namang probisyon ng Anti-Terrorism Act ay hindi unconstitutional.

Hinihimok naman ng Korte Suprema ang publiko at mga partido na hintayin ang publication at basahin ng mabuti ang desisyon maging ang magkakahiwalay na opinyon para sa paliwanag ng mga boto.

Facebook Comments