Inilatag ang ilang mga programa at proyekto para sa mga Dagupeño sa naganap na regular session ngayong araw ng Martes, May 16, 2023 sa Sangguniang Panlungsod.
Sa ilalim ng mga proposed or draft ordinances tulad ng pangangalaga sa mga alagang hayop, pagbigay ng cash gift sa mga senior citizens sa Dagupan na may edad otchentay singko, nobenta, nobenta’y singko. Inilatag din ang proposed ordinance na dagdagan ang allowance ng mga health workers, nurses, nutrition scholars, librarians, Barangay service point officers at mga tanods,
Gayundin ang kapakanan ng mga bata at mga buntis sa siyudad, pagkakaroon ng City-Wide Health Systems, pagsusulong muli ng Balay Silangan Reformation Center para sa mga taong nasangkot sa ipinagbabawal na droga, mga tree planting programs para sa pangangalaga ng kalikasan ng lungsod at marami pang iba.
Natalakay din ang pagbibigay incentives para sa mga atletang Dagupeño na sumasabak sa International, National, Provincial at lokal man at nakapagbibigay karangalan sa syudad.
Pinulong din ang mga proyektong na susuporta sa mga pangkabuhayan at kapakanan ng mga magsasaka at mangingisda at ang pagsusulong ng food security para sa mga Dagupeño.
May inihahanda namang committee hearing alinsunod sa mga nabanggit na programa at proyekto upang pag-usapan ang ilan pang aspeto na nakapaloob dito nang maisakatuparan para sa mga kapakanan ng bawat nasasakupan nito.

Facebook Comments