Ilang mga provision sa 2023 national budget, ivineto ni PBBM

Ivineto ni Pangulong Bongbong Marcos ang ilang probisyon na nakapaloob sa budget para sa susunod na taon.

Kasama dito ang Special Provision No. 1, “Use of Income,” na ayon sa pangulo ay bahagi na ng revenue and financing sources of the Fiscal Year (FY) 2023 National Expenditure Program na una ng naisumite sa Kongreso.

Ayon sa pangulo, hindi awtorisado ang National Labor Relations Commission o NLRC na gamitin ang income nito batay sa umiiral na batas.


Ang isa pang nai-veto ay ang Department of Education (DepEd) – Office of the Secretary Special Provision No. 4, “revolving fund of DepEd TV,” na ayon sa pangulo ay hindi rin awtorisado ang ahensiya na magkaroon ng revolving fund para sa naturang kaukulan.

Hindi rin nakalusot ang Special Provision No. 4, para sa “Branding Campaign Program,” ng Department of Tourism (DOT) na nagtatakdang limitahan ang functions ng executive branch para ipatupad ang RA No. 9593 o Ang Tourism Act of 2009.

Paliwanag ng pangulo na batay sa isinasaad ng RA No. 9593, bahagi ng mandato ng DOT na magplano, maglatag ng programa at magsilbing implementing and regulatory government agency sa promotion ng tourism industry.

Ang mga nai -vetong probisyon ay ginawa bago pa man mapirmahan ang 2023 national budget nitong nakaraang Biyernes, December 16.

Facebook Comments