Magpapakalat ang Pasay City Police ng 180 nilang tauhan sa mga barangay na isinailalim sa localized community quarantine.
Ayon kay Police Col. Cesar Paday-os, hepe ng Pasay City PNP, partikular na ide-deploy ang kanilang mga tauhan sa 56 na barangay.
Magiging trabaho ng mga pulis na bantayan ang mga panuntunan sa localized community quarantine at masiguro na maipatutupad ang mga inilatag na health protocols.
Bukod sa mga baril, bitbit din ng mga pulis ang mga yantok na gagamitin nila bilang panukat sa pagpapatupad ng physical distancing.
Sinabi ni Paday-os na mananatili ang mga pulis hanggang matapos ang ipinapatupad na localized community quarantine sa lungsod ng Pasay.
Ipakakalat din ang mga pulis sa paligid ng Mall of Asia para masigurong masusunod ang health protocols sa mga magtutungo dito.
Maging ang mga nagta-trabaho sa loob ng nasabing mall ay kanilang tutukan para mabantayan kung sumusunod sila sa inilatag na health protocols.