𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗣𝗨𝗩 𝗢𝗣𝗘𝗥𝗔𝗧𝗢𝗥𝗦 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗜𝗞𝗜𝗡𝗔𝗕𝗔𝗛𝗔𝗟𝗔 𝗔𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗟𝗔𝗟𝗔𝗣𝗜𝗧 𝗡𝗔 𝗝𝗘𝗘𝗣𝗡𝗘𝗬 𝗣𝗛𝗔𝗦𝗘𝗢𝗨𝗧

Ikinabahala ng ilang mga operators ng pampublikong sasakyan sa Dagupan City ang nalalapit na jeepney phaseout sa darating na December 31 ngayong taon.
Matatandaan na alinsunod ito sa patuloy na pagsulong ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB ng Modernization Program kung saan iniatas sa mga PUV operators na palitan ang kanilang mga tradisyunal jeepney ng mga makabago o ang modernized PUV na siyang tumutugon sa pamantayan itinakda ng gobyerno pagdating sa mga features nito.
Ayon sa mga jeepney operators na nakapanayam ng IFM News Team, bagamat nais din umano ng mga ito na ipagpatuloy ang kanilang pagtutol, maging ang paghingi pa sana ng extension sa pagpapaliban ng jeepney phaseout ay wala umanong magawa ang mga ito lalo na at nagsisilabasan nan ga raw ng tuluyan ang mga modernized na sasakyan.

Kung tuluyan daw na hindi na papayagang pumasada ang mga ito, sa ngayon ay umpisa na raw sila sa mga alternatibong paraan na makatutulong sa kanila tulad ng pagpapalit ng hanapbuhay.
Samantala, paglilinaw naman ng pamunuan ng LTFRB na hindi naman agad awtomatikong mawawala ang mga jeepney na hindi nakaabot sa PUV modernization.
Hinihikayat din ang mga operators na maging parte at mapabilang sa mga transport cooperatives. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments