Muling nangamba ang ilang mga operators ng pampasaherong jeep sa lalawigan ng Pangasinan kaugnay sa nakaambang jeepney phaseout ngayong taon kasunod ng nagaganap na nationwide transport strike sa bansa ng ilang mga transport groups bilang pagpapahiwatig ng kanilang di pagsang-ayon sa PUV Modernization Program.
Matatandaan na inextend ang dapat sanang June 30 na deadline ng jeepney phaseout sa buwan ng Disyembre ngayong taon.
Ikinatuwa ito ng mga operators ng mga pampublikong sasakyan bagamat sa nalalapit ng pagtatapos ng taon ay wala pa umanong konkretong plano ang mga ito sakaling tuluyan ng hindi payagan pumasada ang mga tradisyunal na jeepney.
Hindi pa umano sila handa sa magiging kahihinatnan ng nasabing isyu. Dagdag nila na bagamat kaisa sila sa adhikain ng LTFRB sa pagpapatupad ng PUV modernization program ay palaisipan umano sa mga ito laki ng kabuuang halagang kinakailangan para magkaroon ng modernized jeep na nasa mahigit dalawang milyong piso.
Tiyak din daw na magiging alanganin ang kanilang hanapbuhay lalo na at ang ilan sa mga ito ay sa pamamasada kumukuha ng panggastos.
Samantala, patuloy naman na inilalaban ng mga namumuno sa transport sector ang kanilang mga nakikitang aksyon para makatulong sa mga maliliit na PUV operators. |ifmnews
Facebook Comments