Hanggang ngayon ay hinihintay pa rin ng ilang mga PUV drivers at operators sa Dagupan City ang maibibigay na taripa mula sa kanilang kinabibilangang kooperatiba upang gaya ng ibang pampasaherong sasakyan ay makapagpatupad na rin ang mga ito ng provisional fare increase.
Kabilang ang ilang mga Lucao operators sa hindi pa nakakapag-implementa ng pisong dagdag pasahe dahil paparating pa lamang umano ang hinihinging updated fare matrix na nagsasaad ng itinakdang dagdag pisong pasahe sa mga pampublikong sasakyan.
Ayon sa mga nakapanayam ng IFM Dagupan, malaking bagay na raw ang dagdag piso dahil malaking halaga na ito ngayon. Dagdag pa ng mga ito ang nararanasang oil price rollback at aminado ang mga ito na hindi na diretso ang kinikitang kita sa arawang pamamasada sa pagbabayad ng ginagamit na pangkrudo.
Naglalaro naman umano sa apat hanggang limang daan ang pinakamalinis na kita ng mga ito sa isang araw at inaasahan na tataas pa ito sa oras na makapagpatupad na sila ng dagdag pisong pasahe.
Samantala, matatandaan na epektibo naman ang malakihang bawas presyo sa ilang produktong petrolyo simula kahapon, Nov. 14. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments