Ilang mga residente, makukuha na ang kanilang unit Basecommunity sa Baseco Compound sa Maynila

Pinangunahan ni Mayor Isko Moreno at Vice Mayor Honey Lacuna ang inagurasyon at pagbibigay ng unit sa mga benepisyaryo sa Basecommunity sa Baseco Compound sa Brgy. 649, Zone 68 sa Lungsod ng Maynila.

Nasa 229 units ang naitayo sa nasabing Basecommunity pero nasa 96 na benepisyaryo ang naka-comply sa requirements.

Kada residente na titira ay mayroong monthly mandatory contribution kung saan P2,000 sa mga kumikita ng P12, 000 habang P3, 000 naman kapag nasa higit P13, 000 ang kita o sweldo.


Ang kada benepisyaryo naman ay mayroong 50 taon na length of occupancy at sakaling hindi na nila ituloy o umalis sa unit sa Basecommunity, ang susunod na titira dito ang siyang magtutuloy ng monthly mandatory contribution kung saan maibabalik naman sa unang tumira ang mga naihulog nito.

Mahigpit na ipinagbabawal sa bawat occupant na patirahin o ipasalo sa iba ang unit ng hindi sumasangguni sa lokal na pamahalaan.

Kada unit ay may 42 square meters, may 2 bed rooms sa second floor, kitchen area, comfort room at may linya ng tubig at kuryente.

Facebook Comments