Sumalang sa livelihood training ang nasa 30 residente ng Garlic Court Brgy. 28 Zone 3 sa Caloocan City.
Bahagi pa rin ito ng ikinakasang DZXL News 558 Gabay sa Hanapbuhay Caravan.
Pinangunahan ang nasabing training ng Public Service Employment Office (PESO) Caloocan.
Dito ay tinuran ang mga residente kung paano gumawa ng processed food tulad ng homemade longganisa.
Kaugnay nito, maaari na silang magsimula ng negosyo o pagmumulan ng extra na pagkakakitaan lalo na pagsapit ng Kapaskuhan.
Mula naman kanina, aabot sa 11 ang na-hire on the spot kung saan may iba pang 4 na aplikante ang for final interview habang 82 residente ang nakiisa sa hanapbuhay caravan.
Facebook Comments