Ilang mga residente ng Mandaluyong, umaasang maagang darating ang mga water tanks ng Manila Water

Ngayon pa lamang ay umaasa ang mga residente at negosyante sa ilang barangay sa Mandaluyong City na makakakuha sila ng sapat na suplay ng tubig sa ipinakalat na mga water tanks ng Manila Water.

 

Nabatid kasi na sa abiso ng Manila Water ay prayoridad ng kanilang mga water tanks ang mga service institution tulad ng hospital.

 

Hiling din nila na agahan sana ang pagrarasyon ng tubig lalo na’t mahirap magpuyat at may pasok ang mga estudyante at mga nagta-trabaho sa pampubliko at pribadong kumpaniya.


 

Dumadaing naman ang mga residente ng barangay addition hills dahil halos tatlong araw na silang nagkaka-problema sa suplay ng tubig.

 

Sa ngayon, nag-iikot na ang mga water tanks kasama ang ilang tauhan ng lokal na pamahalaan ng mandaluyong, mga pulis at MMDA.

Facebook Comments