Unti-unting nagsisipagbalikan ang ilang mga residente ng Bayan ng Talisay, Laurel at Agoncillo Batangas upang linisin ang kanilang kabahayan at pakainin ang kanilang mga alagang hayop na lubhang naapektuhan ng pag-alburuto ng Bulkang Taal.
Ayon Ariel Santiago residente ng Laurel Batangas kaya siya bumabalik sa kanilang bahay dahil sa kulang ang pagkain sa Evacuation Center na kanilang pansamantalang tinutuluyan bukod pa sa kumukuha sila ng damit na pamalit sa kanilang sinuot.
Napaka-kapal ng putik sa bubong ng kanilang bahay kaya kinakailangan pa nilang palahin ang mga putik sa bubong ng kani-kanilang bahay upang hindi bumigay ang bubong ng kanilang tahanan.
Hindi naman mapipigilan ng mga otoridad na bumalik ang ilang mga residente sa kanilang mga bahay dahil sa pakiusap ng mga ito na linisin ang kanilang mga bahay at kumuha na rin ng mga damit.