Ilang mga residente sa Maynila, pinayuhan na mag-ingat at i-monitor ang sitwasyon sa lagay ng panahon

Pinapayuhan ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang mga residente nito na mag-ingat partikular ang mga magulang at estudyante na papauwi na mula sa paaralan.

Ito’y dahil sa patuloy na pagbuhos ng malakas na ulan kung saan uwian na o tapos na ang klase habang sinuspindi na ang face-to-face classes sa panghapon.

Sa monitoring ng Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), nakapagtala sa ilang parte ng Maynila ng gutter-deep na pagbabaha.

Ito’y sa may bahagi ng:
• Mabini, Pedro Gil
• Mabini papuntang UN
• tapat ng Universidad ng Maynila
• tapat ng SM Manila
• San Marcelino kanto ng Ayala Boulevard
• Taft-Pedro Gil
• Finance Road papuntang Padre Faura
• tapat ng La Salles Taft
• Leon Guinto

Habang abot-gulong ng sasakyan ang baha sa bahagi ng:
• NBI Taft Northbound at Southbound
• Kalaw, Taft
• Gen. Luna papuntang Taft Avenue

Ang mga wala namang importanteng gagawin sa labas ay hinihikayat na manatili na lamang sa mga tahanan upang maging ligtas saka tumutok sa mga anunsyo mg lokal na pamahalaan.

Facebook Comments