Nagpapasalamat ang lokal na pamahalaan ng Caloocan kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa pamimigay ng P15,000 financial assistance sa mga rice retailer na nakakasunod sa ipinapatupad na price cap na P41.00 at P45.00 per kilo na bigas.
Partikular na nakatanggap ng nasabing tulong ang mga rice retailer mula South at North Caloocan.
Ayon sa ilang mga nakatanggap ng tulong pinansyal, malaking tulong ito sa kanilang negosyo kung saan sa pamamahitan nito ay mapapanatili nila ang pagbebenta ng bigas sa ilalim ng ipinatupad na Excutive Order No. 39.
Naniniwala rin ang mga rice retailers na amg naging desisyon ni Pangulong Marcos ay makakatulong upang maiwasan na ang hoarding, smuggling at profiteering sa bigas.
Bukod sa P15,000 na ayuda mula sa gobyerno, planong dagdagan ng Caloocan LGU ng P5,000 na tulong pinansyal ag bawat rice retailers na sumusunod sa EO No. 39 ng pangulo.
Magpapasa rin sila ng ordinansa na magbibigay ng diskwento sa renta ng mga rehistradong rice retailers.