Plano ng ilang mga rice retailers sa Maynila na kumuha na rin ng suplay ng bigas sa National Food Authority (NFA).
Ito’y bilang suporta at tulong sa mga local farmers matapos atasan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang NFA na bilhin ang mga dried palay sa P23.00 kada kilo at P19.00 kada kilo sa wet palay.
Ilan sa mga micro rice retailers sa mga pamilihan sa Maynila gayundin ang Pangulong Marcos ay naniniwalang uunlad ang kabuhayan ng mga lokal na magsasaka at hindi sila malulugi kung saan maraming suplay pa ng bigas ang mabibili sa NFA.
Matatandaan na ang naging plano ni Pangulong Marcos na siyang chairman ng NFA Council ay kasunod na rin ng naunang desisyon nito na ipatupad ang price ceiling sa bigas.
Ito’y para mapababa pa ang presyo sa merkado at matigil na rin ang smuggling, hoarding gayundin ang profiteering ng mga mapagsamantalang negosyante.