ILANG MGA RICE RETAILER SA PANGASINAN, IKINATUWA ANG PAGTANGGAL NI PBBM SA IPINATUPAD NA PRICE CAP SA BIGAS

Ikinatuwa ng ilang rice retailer sa Pangasinan ang tuluyang pagtanggal ni Pangulong Bongbong Marcos Jr sa ipinatupad nitong price cap sa bigas partikular sa regular milled rice at well milled rice.
Kung kukwentahin daw kasi ang kanilang kinikita sa pagbebenta ng bigas, apat hanggang limang piso lamang umano ang kanilang kita sa kada isang kaban na kanilang binibili.
Idagdag pa ang mga expenses nila na kailangan nilang ibawas gaya ng renta sa pwesto at puhunan para makapag-angkat muli ng bigas na kanilang ibebenta.

Samantala, ikinatuwa naman ng mga magsasaka ang sa ngayong farm gate price kung saan ang presyo ng palay ay naglalaro ngayon sa 18 pesos hanggang 19 pesos and 50 centavos ang kuha. |ifmnews
Facebook Comments