ILANG MGA RICE VENDORS SA DAGUPANCITY, IKINATUWA ANG BALITANG MAAARI NANG ALISIN ANG INIMPLEMENTANG PRICECEILING SA BIGAS

Ikinatuwa ng ilang mga rice vendors sa ilang pampublikong pamilihan sa lungsod ng Dagupan ang balitang maaari nang ilift o alisin sa mga susunod na linggo ang umiiral na price ceiling sa produktong bigas na kailanlaman ay ipinag-utos ng Pangulo ng bansa alinsunod sa kanyang Executive Order 39.
Matatandaan na mabibili sa mga tukoy na produktong bigas ang mga nagkakahalaga ng 41 pesos sa regular milled at 45 pesos naman para sa well milled rice.
Ani ng ilang mga rice vendors sa lungsod, sayang na rin daw kasi ang maaaring kita sana nila kung nasa dating presyuhan ang bigas at bilang tanging mga rice retailers lamang ang naabutan ng cash subsidy ng kabuuang 15, 000 pesos.

Kung tuluyan na nga umanong ililift ang price ceiling, paonti-onti ay makakabawi anila ang mga ito.
Samantala, inihayag naman ang maaaring pag-alis ng price cap sa bigas ng Samahang Industriya ng Agrikultura o ang SINAG dahilan na mag-uumpisa na muli ang pag-aani o ang harvest season ng mga magsasaka at tiyak ang mas pagdami ng suplay nito sa merkado.
Inaasahang magbabalik din ang presyuhan ng bigas na nasa 43 hanggang 44 pesos ang kada kilo. |ifmnews
Facebook Comments