Personal na nag-ikot at nagsagawa ng inspeksyon sinna Senator Win Gatchalian at JV Ejercito sa ginawagang modernization program ng Bureau of Customs (BOC) sa Port of Manila.
Bukod sa mga senador kasama rin sa aktibidad ang ilang miyembro Senate Committee on Ways and Means at Senate Tax Study and Research Office.
Ito’y upang malaman at makita ang mga hakbang ng Customs sa gitna ng pagdagsa sa bansa ng mga produktong smuggled.
Nais ng mga senador na matugunan ang problema sa pagpasok ng mga smuggled products lalo na ngayong magpa-Pasko at dagsa ang mga mamimili.
Mismong si Customs Commissioner Yogi Filemon Ruiz ang nakasama nila kung saan ipinakita nito ang Customs Customer Care Center (CCC), X-ray Inspection Program (XIP), at ang Customs Operations Center (COC) na pakngunahing tanggapan ng kanilang ahensiya na siyang nakakaharang sa pagpasok ng mga smuggled products sa bansa.
Nagsagawa rin ng briefing ang ilang opisiyal ng BOC hinggil sa Customs Processing Systems, BOC Dashboard, Electronic Value Reference Information System, Philippine Customs Modernization Program at Authorized Economic Operator Program para malaman ng mga senador ang takbo ng kanilang operasyon.
Inihayag pa ni Commissioner Ruiz na nasa 91% na ang automated na pagproseso sa Customs kung saan naipatupad na rin ang anim na karagdagang digitalization projects.
Kaugnay nito, nagpahayag naman ng suporta ang mga senador sa programang modernisasyon ng BOC dahil makatutulong ito sa pagpigil ng smuggling sa bansa.