Ilang mga Senador, nagpaabot ng suporta sa mga atletang pinoy na kalahok sa Paris Olympics

Nagbigay ng buong suporta sa mga atletang Pilipino na kalahok sa Paris Olympics ang ilang mga senador.

Ayon kay Senate Committee on Sports Chairman Christopher Bong Go, hangad niya ang tagumpay ng bawat atleta at coach ng buong delegasyon ng Pilipinas sa Paris Olympics.

Hinimok ni Go ang lahat ng mga Pilipino na magkaisa rito para sa bansa sa kabila ng mga hamon na kinaharap ng ating mga kababayan nitong mga nakaraang araw dulot ng bagyong Carina at


This slideshow requires JavaScript.

habagat.

Hangad at ipinagdarasal ng senador na makasungkit muli ng medalya ang mga manlalaro ng Pilipinas sa Olympics.

Sa update para sa Paris Olympics, nakapasok na sa finals si Filipino gymnast Carlos Yulo matapos makapasok sa Top 8 ng Floor Exercises at Vault Apparatus at maging sa Top 24 ng All-Around Event ng Artistic Gymnastics habang si Joanie Delgaco ay pasok naman sa quarterfinals Women’s Single Sculls matapos manguna sa Repechage round.

Facebook Comments