Ilang mga Senador, nagpahayag na rin ng opinyon sa pagbabakuna sa edad 17 pababa

Nagpahayag ng opinyon ang ilang Senador na isama na rin ang mga kabataang edad 17 pababa sa mga mababakuhanan kontra COVID-19.

Kasunod ito ng sinabi ni Food and Drug Administration (FDA) Director General Eric Domingo kung saan tulong umano ang pagbabakuna sa pag-abot ng bansa sa target na 12 hanggang 14 milyong mababakunahan.

Paliwanag ni Senator Panfilo Lacson, hindi pa kasama ang mga kabataan sa pondong inihanda ng gobyerno sa pagbabakuna.


Sa katunayan aniya ay humihingi na rin ang Department of Health (DOH) ng karagdagang P25 bilyong para sa pagbabakuna sa mga edad 12 hanggang 15.

Sa usapin naman ng bakuna, sinabi ni Senator Ralph Recto na dapat munang dumepende ang gobyerno sa pagkuha ng bakuna dahil may sapat namang pondo ang gobyerno dito.

Paliwanag naman ni Senator Franklin Drilon, may sapat pa namang budget items sa 2020 at 2021 GAAs at GOCCs na maaaring ayusin hanggang sa katapusan ng taon.

Sa ngayon, maliban sa mga ito sinabi ni Senator Sonny Angara na puwedeng pag-aralan ang supplemental budget o i-prioritize ito sa 2022 budget para magamit sa pagbabakuna sa mga kabataan.

Facebook Comments